Wednesday, March 14, 2007

Batayang Paniniwala ng BTM

Tatlong Pangunahing Paniniwala ng BTM

Lakas ng Pamahalaan

Walang tunay na pagkakaisang pambayan kung walang lakas ang pamahalaan. Ang sandigan ng pagunlad ay nakasalalay sa isang pamahalaang nakaka-unawa sa kalagayan ng kanyang mga mamamayan at may iisang programang pang-kaunlaran

Paggalang sa karapatan at kalayaan ng bawat isa

May karapatan ang bawat tao laban sa pagmamalabis ng pamahalaan. Galangin ang mga karapatang ito lalo na sa buhay, ari-arian at kalayaan ng pamamahayag.

Kapatirang di mapapantayan


Sandigan ng pagka-bansa ang iisang Kamalayang Bagong Tao (KBT). Punut-dulo ng Kamalayang ito ang iisang kapatirang Pinoy na pinanday ng iisang karanasang pangkasaysayan.

Iisang lahi, iisang pamilya, magkakapatid ang bawat isang Pinoy!

Plataporma de gobyerno ng Bagong Tao Movement

Proteksyon ng karapatang Pangkabataan

  • Pagpapatupad ng Magna Carta for Students para protektahan ang mga batayang karapatan ng mga estudyante laban sa mapaniil na patakaran ng mga eskuwelahan
  • Pagsulong ng youth sports development sa pamamagitan ng libreng training sa martial arts ng mga kabataan
  • Aktibong paglaban sa paglaganap ng iligal na drogang sumisira ng buhay ng mga kabataan
  • Pagbibigay sanay sa mga kabataang may angking talino at kakayahang maging pinunong pambayan sa kinabukasan

Pagunlad ng kabuhayan

  • Pagtulong sa mga Pilipinong nagnanais na maging mga entrepreneur sa pamamagitan ng isang sistematikong micro-financing scheme
  • Proteksyon sa mga lokal na mangangalakal laban sa malabis na globalisasyon at industriyalisasyon ng mga batayang industriya
  • Pagpapalakas ng mga industriyang may tsansang makipagsabayan sa mga global industries
  • Pagsulong ng mga economic hubs sa buong kapuluan at pagbaklas ng malabis na konsentrasyon ng kapital sa Metro Manila.

Pagbibigay tulong sa mga nagnanais na maging entrepreneur sa pamamagitan ng microfinancing initiatives

  • Pagtatayo ng mga Bayanihan Communities para sa kapakanan ng mga kapus-palad at walang bahay
  • Pagpapasigla ng ekonomiyang lokal sa pamamagitan ng mga batas pangkaunlaran
  • Proteksyon sa mga lokal na mangangalakal laban sa labis na globalisasyon at nasyunalisasyon ng mga batayang industriyang pambayan

1 comment:

Anonymous said...

Amiable fill someone in on and this post helped me alot in my college assignement. Gratefulness you as your information.